sa saliw ng namumungay
na ningning ng mga bituin
at marahang dampi
ng malambot na unan,
narito't nakahandusay
ang katawang hapo
sa maghapong paghahanap-buhay
nakapikit ang mga mata
ngunit gising ang diwa.
pilit nakikipagbuno
sa langitngit ng daluyong
ng maligalig na nakahapon.
iminulat ang mga mata
lumipad ang paningin
kasabay ng isipan
sa pook na hindi kinasanayan
doon naglipana ang mga pangarap
naroon ang kaligayahan
ngunit mas nanaig
ang kalungkutan, marahil
doon ako'y nag-iisa lang.
kasabay ng marahang dampi
ng hangin sa aking paanan,
ako'y naglakbay pabalik
sa katotohanan
hinawakan ang kamay
ng supling at kabiyak
narito lang sa aking tabi
nananahan ang ligayang
walang hangganan
huwaw ^_^
TumugonBurahinmadam napadaan ka. Salamat po. Daan po kayo ulit.
Burahinnagbalik ka na nga sir joey!
TumugonBurahinbossing salamat sa madalas na pagpasyal. Ipagpatuloy natin ang nasimulan.
BurahinNapapawi ang alalahanin kapag may mga kamay na kaagapay.
TumugonBurahin:)
pards iba naiisip kong kamay na kaagapay kainaman
Burahinnaalala ko ang kanta ni yeng..yung hawak kamay...
TumugonBurahinsir joey.. kagaling mong gumawa ng tula.. muli mo kong napahanga.
:)
sir banjo salamat. Bahagi ang mga katagang nakapaloob sa bawat maikling kwento mo sa mga sandigan ko. Tinitingala ko pa rin at patuloy na titingalain ang mga akda mo. Mabuhay!
Burahinnaks naman
TumugonBurahinsarap basahin, adre..
TumugonBurahinang galing, maganda toh gawing kanta. Naiimagine ko siya na kinakanta ng dicta license :)))
TumugonBurahin