Martes, Abril 24, 2012

NANG MAANGKIN KA NG KALULUWANG UMAALIGID SA PUERTO GALERA

sa natatatanging pook na ito,
ang katawan ni Adan ay kasing tikas
ng mga nakapalibot na kabundukan
subalit ang nakapaloob rito
ay kasing lambot ng mga
buhangin sa dalampasigan,
samantalang si Eba
ay nagkukubli sa kamison
ng birhen na kagubatan

habang marahang hinahampas
ng daloy ng alak
ang tigang na lalamunan
ay unti-unting nadadarang
ang puso at isipan ng karagatan
pilit kumakawala sa
kaluluwang yumayapos
sa napapagod ngunit
nag-iinit na kalamnan

ito at nakahandusay
ang buong kahubdan
na tila inararo ng daluyong,
hindi makabangon,
niyayakap ang dilim
habang parang isang uwak
na sumisigaw
ngunit buhangin lamang
ang nakakarinig

tuluyan nang pumikit
ang ningning ng mga bituin
at kinalimutan ang lasa
ng ligaya

11 komento:

  1. parang isang "intense" na pagniniig ang sarili kong interpretasyon ko para dito, adre.. anu't anuman, para sa akin, mahusay itong akda sa pagsasalarawan ng isang masidhing hmmm okay, pagniniig.. hahaha.. galing, adre..

    TumugonBurahin
  2. Ang bawat salitang ginamit mo kaibigan joey ay nagdagdag ng aking pagkasabik sa lugar na nabanggit. Ang galing mo talaga pag dating sa mga gantong angking salita. Mabuhay ka! :)

    TumugonBurahin
  3. Mga palabok lang yan mga boss. Ang gusto ko lang sabihin talaga ay ganito, Marami mga lalaki dun na macho pero pusong Eba. Yung mga babae dun seksi pero tinatago ang katawan. tapos masarap maglasing wahahaha biro lang

    TumugonBurahin
  4. ganun sana at sana makapasok test lang hahaha

    TumugonBurahin
  5. parang nasa gay club ba 'to?!! hehehe!

    TumugonBurahin
  6. Pagkabalik mo ito ginawa o nong nandon ka pa sa Galera?

    Ayos. :)

    TumugonBurahin
  7. Nung nandoon pa ako pards ginawa ko na to. Inedit lang kagabi sa utak ko.

    TumugonBurahin
  8. Iyah, mam sa mismong Puerto Galero ito. yung mismong pangyayari itong ito yun hahaha

    TumugonBurahin
  9. maligayang pagbabalik sir joey mula sa isla ng galera.

    TumugonBurahin
  10. Sir limar maraming salamat. Medyo nagapi ako ng katamaran. Saka naubusan ako ng maisusulat. Kamusta sir.

    TumugonBurahin
  11. mahirap arukin ang iyong nilathala sir joey, pero nakikiliti ang aking isip. Di yata't sa pagtatalik ang ibig mong ipahiwatig pero nino? nag lalaking umiibig sa sarili?

    bahala ka na sir joey :)

    magandang araw sayo :)

    TumugonBurahin