marami na ang lumisan
ang iba nama'y nakabalik na
samantalang ang sinasakyan ko
ay narito pa rin
naghihintay mapunan
ang bawat hungkag na upuan
ang iba'y naiinip
at hindi na nakapaghintay
may dalawang pumanhik
ngunit may tatlong pumanaog
tayo na't lumarga
bago pa man tumabang
ang lasa ng pagtitiis
alam mo yung sa pagsakay mo pa lang,komportable ka na? Na kahit urong sulong yung bus, baba-akyat ang mga pasahero, andun ka pa rin naghihintay na umusad ang byahe?
TumugonBurahinNa kahit sabihin mo pang paulit-ulit "konti na lang bababa na ako", hindi ka pa rin bababa kasi nasa isip mo rin "konti na lang aalis din tong bus".
Pride. False Hope. Ewan ko.Basta sa huli kasi makakarating ka din e. Bahala ka na lang kung mag aantay ka o maghahanap ka ng iba.
(ang dami ko na namang sinabi :P)
hahahaha maloko yung mga tsuper at kundoktor eh. Ganito ang style nila. Kapag padating ka na, parang ang dami nang nakasakay. Yun pala mga ktropa lang nila. Tapos kapag may bumaba na isang lihitimong pasahero, kunyari tatakbo na. Sinasadya nila kasi skyway ang daan. Mabilis nga naman kumpara sa mga bus na sa ilalaim ang daan. Pero anak ng tinapa parang ganun din eh, isang oras ka maghihintay. hahahaha
TumugonBurahinhahaha sa jeep trending na din ang ganyan style... kung di lang nakakatamad bumaba eh :))
TumugonBurahinMay naalala tuloy akong joke.
TumugonBurahinSa terminal, may isang babaeng nakasakay sa likod ng jeep na naghihintay ng pasahero, tinanong ang drayber.
Misis: Mama, hindi pa ba tayo tatakbo?
Drayber: Sandali na lang ho. Wala pang laman.
Misis: Ano'ng tingin mo sa akin, sabaw?
wala bang masasakyan na hindi nakapila?
TumugonBurahin