Huwebes, Hulyo 28, 2011

WOTL: ANG SALITA NI LOURD

Ikaw ay matalas. Nag-iiwan ka ng malalim na hiwa sa bawat sulok ng kamalayang ikinulong at iginapos ng masasamang ala-ala. Isang hiwa na nagbibigay hapdi at kirot sapat upang gisingin ang nahihimbimbing na isipan.

Sa bawat pagtalakay sa isang usapin tungkol sa kultura at kaugalian, pulitika at lipunan ay may kislap ng liwanag. Binibigyan mo ng kinang ang lipunang binabalot ng karimlan. Kinukulayan at pinapatingkad mo ang kumukupas na galak at pinapalinaw ang lumalabong pag-asa sa hinagap.

Ikaw ay mapanuri. Hinuhubaran mo ang konserbatibo at di maarok na agam-agam upang ito ay tiyak na masilip, makita at maintindihan. Hanggang sa lilitaw ang buong kahubdan na syang sisilaw sa mga matang nagbubulag-bulagan, sisigaw sa mga taingang nagbibingi-bingihan at bubusog sa kumakalam na isipan.

Ikaw ay matalas. Iyong tinatapyas ang makakapal na pader at pinuputol mo ang mga rehas na bakal na syang kumukulong sa kamalayang hapo sa pagpupumiglas.

10 komento:

  1. Hanglalim ng mga salita pre...masakit sa ulo.

    Namamana ka na kay JKUL. LOL

    TumugonBurahin
  2. Ahahaha mas malupit yun. Saka mas malinaw magsulat si Jkul. Ako labo-labo na repleksyon rin marahil ng magulo kong isipan hahaha

    TumugonBurahin
  3. astig! iba talaga ang WOTL, gabi-gabi inaabangan ko kung ano ang bago...

    TumugonBurahin
  4. anu bang oras yan? mukhang maganda nga kasi ganyan ka kaaffected kuya :)

    TumugonBurahin
  5. Di ko sila napanuod sa TV. Nagiging updated lang ako dahil sa facebook page at youtube channel nila. Madalas napapanahon. Ang galing! Maraming ayaw pero mas marami ang may gusto syempre ganun naman talaga eh.

    TumugonBurahin
  6. May nagbanggit dati sa site ko na para daw si Lourd de Vera(veyra) ang nababasa don sa ilan kong sinusulat. Hindi ko kilala si Lourd, naririnig ko pero last week, napanood ko siya na iniinterbyu tungkol sa mga alaga niyang aso. Sabi ko siya pala iyon.

    Nong makita ko ang hilatsa ng mukha niya sabi ko, ang weird naman niya, tapos nakita ko yong name: LOURD DE VERA. Ahahaha

    Ano ang WOTL Joey?

    TumugonBurahin
  7. Sasang-ayon ako ng kaunti dun sa nagsabi nun Pards dahil siguro mapanuri kayo parehas? Yung mga tungkol sa bayan mga ganun. May kanya kanya kayong katangian.

    Onga daw madami daw aso yun si lourd de Veyra. 4 Time Palanca Awardee raw itong mama na ito Pards eh dahil sa mga essay at tula nya. Sana si Jkul malapit na.

    (WOTL: Word of The Lourd)

    TumugonBurahin
  8. mga salitang tumatagis sa aking kamalayan. ang talas ng mga titik ay syang nagbibigay marka sa aking isipan. sir collab tayo.

    TumugonBurahin
  9. Sir MD ayus sa akin yan. Gagawa ba tayo porn movie? hahaha

    TumugonBurahin
  10. word of the lourd pala ang WOTL....akala ko ano..

    TumugonBurahin