Biyernes, Hulyo 29, 2011

HANDOG

Ang tulang ito ay nabuo bilang handog nila MD, Bulak, Essa, at Madz sa tahanan ni Jkul


O kalapati halika sa aking tabi
Sumpungan mo ang di mapigilang kiliti
Pukawin mo ang natutulog kong pighati
Balutin mo ako ng maganda at nakakaakit mong ngiti
Mga ngiting nagtatago ng ibayong hapdi


Maari ko bang tanglawin ang nasa loob ng malalambot mong labi?


Kilitiin at pukawin mo ang nasisidhi kong damdamin
Dahil ito'y puno ng takot sa dilim
Na tumatakip gabing malagim
Dulot ng malaimpyernong hardin


Halika na at ating lasapin ang mga natutulog na pagnanasa
Na tanging bumabalot at nararamdaman sa katawan ng bawat isa
Lakbayin ang kung anu man ang mayroon sa kabilang pintuan
At sa dulo'y unti-unting hayok na hahalinghing ang magsisilalabasan


Mataman mo akong halikan at dalhin sa rikit
oh Cassandra, paligayahin mo ako ng walang patid

8 komento:

  1. Magagaling talaga ang mga blogerong tubong Bulacan!

    Kudos to Sg at MD! Same to Madz and Essa.

    TumugonBurahin
  2. isang maligayang kaarawan sa iyo. dalangin ko'ng lagi ka'ng pagpalain ng poon'g Maykapal :D

    TumugonBurahin
  3. Buhay pa rin si Cassandra?

    Saan ba nakatira iyang si Cassandra?

    Baka pumapasok din yan sa chatroll?

    hahaha.

    TumugonBurahin
  4. The best Sir Joey! ikaw na makata! ikaw na umiibig! :D

    TumugonBurahin
  5. birthday mo?!!! happy birthday sayo!!!! sana'y mapaligaya ka ni cassandra! hehehe

    TumugonBurahin
  6. Ayus... lalo mong nabigyan ng buhay ang tula..

    Mukhang inspired kay Cassandra.. lol

    TumugonBurahin
  7. Si Cassandra muling nabuhay!
    Oh yeah tuloy ang ligaya ser joey!

    TumugonBurahin