Martes, Abril 19, 2011

SA LAOT NG PANAGINIP

Isang gabi nanaginip ako.
Naglalakad ako sa dalampasigan.
May nakasalubong akong isang dilag.
Kinausap ko s'ya. Nagkwentuhan kami.
Habang unti-unting nagkaroon ng
ngiti sa kanyang mukha ay unti-unti
namang nahuhulog ang loob ko sa kanya.
Nagtampisaw s'ya sa tubig. Pinagmasdan
ko lamang s'ya. Unti-unti s'yang
lumalayo. Sinundan ko s'ya.

Noong malapit na ako sa kanya ay
namalayan kong may kalaliman na
ang parteng iyon ng karagatan.
Kinausap n'ya muli ako upang
magpaalam. Nagpumilit akong sumama.
Hindi daw n'ya alam ang tungo n'ya.
Sabi ko ayus lang basta sasama ako.

Masaya kaming lumalangoy. Narating
namin ang laot. May paparating na bangka.
Kinawayan n'ya iyon. Huminto ang
bangka at sumakay ang dilag. Bago lumarga
ang bangka may sinabi s'ya sa akin.
LUMANGOY KA NA PABALIK SA DALAMPASIGAN
BILISAN MO LANG AT MAY PAPARATING NA BAGYO.

Lumangoy ako ng lumangoy hanggang sa
nagising ako na humahangos at umiiyak.

4 (na) komento:

  1. anong ibig sabihin ng iyong panaginip?

    magandang araw sayo :)

    TumugonBurahin
  2. Hindi ko rin alam kapatid. Hanggang ngayon sumasaglit pa rin ito sa aking kamalayan.

    Magandang araw rin sayo. Maraming salamat sa pagdaan at pagtyiyagang magbasa.

    TumugonBurahin
  3. Ang ibig sabihin daw ng iyong panaginip ay babalik na si Kuli. LOL

    Ang dami kong babalikang posts oh.

    Kamusta ka naman Bossing?

    TumugonBurahin
  4. Aba'y nagbalik ka na nga. Ayan at buhay na buhay na naman kaming lahat. Magtumba ako ng kalabaw? O baka gusto mo magpakatay ako ng alipin para gawin nating yelo para mabawasan ang init ngayon sa Pilipinas.

    TumugonBurahin