Martes, Hunyo 21, 2011

MINSAN MAY ISANG IKAW SA BUHAY KO

Nabuo ang tulang ito para sa isang kaibigan.
Ito ang dahilan upang mabuhay muli ang nananamlay na kinasanayan.


Nung minsan may ikaw sa buhay ko
Lahat ng hirap at pagdurusa ay di inalintana
Bawat yugto ay mahalaga at nabubuo
Basta't nariyan ka at kapiling ko

Sabay nating pinagsaluhan ang ating mga pangarap
Mga pangarap na sinulat natin sa ulap
Ngunit lahat ng ito ay biglang naglaho kasabay ng pag-ihip ng hangin
Kaya ang buhay ko ngayon ay di malaman kung saan babaling

Ako ay iyong iniwan sa Gitnang Silangan na may damdaming sugatan
Mag-isang nangangarap at binabalikan
Ang ating mga masasayang nakaraan
Ngunit ako ay lalong nahihirapan pag ang larawan at mensahe ay nasisilayan

Kaya ngayon ako ay nagpasyang tanggapin na lang ang katotohanan
Na sa sarili ikaw ay di na muling makakapiling
Kahit na sa isip ko'y maraming mga katanungan
Na hanggang ngayong ay nanatiling walang kasagutan

Ang mahalaga ay ang mga ala-ala na minsan may isang ikaw
Na bumuo sa buhay ko

10 komento:

  1. Kay sarap gunitain ang mga taong naging bahagi ng ating munting paglalakbay. Maliit man o malaki ang naging parte nya, ang importante syay muling maalala

    TumugonBurahin
  2. para ba ito sa isang kaibigan o minamahal? ang ganda nito lapatan ng musika at gawing kanta :)

    TumugonBurahin
  3. Ang lungkot naman. . . Minsan may isang ikaw. .nakakarelate. . . ouch

    TumugonBurahin
  4. Sir MD! Tama ka ka po sir pero kung sagad sa kapangitan ang naging karanasan mo sa isang tao nanaisin mo pa ba itong muling balikan kahit sa ala-ala?

    TumugonBurahin
  5. Jheng nabuo ang tula na ito dahil sa isang kaibigan. Naging saksi lamang ako sa kwentong pag-ibig nya at marahil naramdaman ko noon ang pait na kanyang dinaranas kaya inilapat ko ito sa pamamagitan ng isang tula.

    TumugonBurahin
  6. Iya - Mam ramdam ko noon ang hinagpas habang binubuo ang tulang ito. At hanggang ngayon kahit paulit-ulit ko itong basahin ramdam ko pa rin yung sakit na yun.

    TumugonBurahin
  7. Ser Joey pareho kayo ni mam era about friendship.
    Siguro kagay ng last line mo, people come and go, sometimes pati mga long and trusted friends, ang mahalaga palagay ko ay yung naging bahagi sila ng buhay natin, shared leassons learned kumbaga.

    be blessed!

    TumugonBurahin
  8. Balaraw yata ang pagtusok ng alaalang ito sa iyong balintataw.

    Ang karanasan niya'y karanasan mo din. Natin.

    TumugonBurahin
  9. ahh kaibigan lang pala..

    kaibigan lang pala...

    hehehe.. :-D

    TumugonBurahin
  10. Sigurado bang kaibigan lang ang tinutukoy mo sa tula Joey? Totoong masarap balikan minsan ang unang karanasan, hayyy ahahahaha juk!

    TumugonBurahin