Huwebes, Oktubre 11, 2012

TATLONG TAON

Nanumbalik na ang kinang
Sa aming bawat hinagap;
Binalot at pinalabo
Ng makakapal na ulap.

Mataas na'ng naaabot
Ng aming mga pangarap;
Dati'y tinangay ng agos
Tungo sa ilog ng hirap.

Tatlong taon na'ng lumipas
Nang ang Maynila'y sinubok
Ni Ondoy nang walang habas.
Ngunit ang mga alabok

Ng natuyong mga putik,
Sa gunita'y nakakapit.

3 komento:

  1. sir joey. musta na? tuloy tuloy na sana ang pagbabalik

    TumugonBurahin
  2. naalala ko tuloy 'yung "putik" ng sandwich.. hehehe..

    TumugonBurahin