Martes, Agosto 28, 2012

BAYANI SA BAYANI

Soneto ng Maninisid para kay Ginoong Robredo

Walang along taglay ang aking pangalan;
Tatak sa buhangin sa bawat pagsisid,
Ang pusod ng dagat ang tanging kanlungan;
Tulad ng ngalan mo - gandang walang bahid,

Ako ay nanumpa sa aking tungkulin,
Katulad mo'y nais maging halimbawa;
Ang pag-ibig sa baya'y aking uunahin,
Ginuhit sa palad - pagtulong sa kapwa,

Kasama marahil ditong nakaguhit,
Ang aking pagsisid nitong karagatang
Puno ng hinagpis at mga pasakit,
Upang maiahon ang iyong katawang

Inagaw ng tubig, nilamon ng alat;
Dulot sa'king baya'y muling pagkamulat.

6 (na) komento:

  1. astig nmn :) tunay na isang bayani si ginoong robredo

    TumugonBurahin
  2. malaki ang respeto ko sa mga katulad mong matiyagang bumuo ng ganitong klaseng tula.. konti na lang sa mga manunulat ngayon ang gumagawa ng ganito..

    sayang talaga si robredo.. dapat yung mga tangna na lang nilamon hindi lang dapat ng dagat, pati na rin ng lupa.. o kaya tamaan ng kidlat.. para mas makitang wala talagang ginawang tama.. hehehe

    TumugonBurahin
  3. saludo ako kay robredo!

    TumugonBurahin
  4. idol talaga kita kuya joey :) pwede ka na ring maging bayani. anuraw? char!

    TumugonBurahin
  5. ang sarap naman sa tadyang nito pards.

    Pwede ba ito sa bmim?

    TumugonBurahin
  6. Alam ko hindi madali 'yang soneto kailangan nang tamang bilang ng pantig pero dapat hindi mawawala ang saysay ng tula. Kaya isang malaking thumbs up ser joey, malupit na tula na may malupit na mensahe para sa malupit na mama. Galing!

    TumugonBurahin