Miyerkules, Abril 27, 2011

PAKYU KA! BULUTONG! (REPOST)

Walanghiya ka! Sa tanda kong ito ay nakuha mo pa akong dapuan. Hindi ka nakakatuwa! Hayup ka! Ang dami mong sinirang schedule. Nagawa kong lumiban sa trabaho dahil sa'yo. At pinagkait mo sa akin ang bonding time namin ng mag-ina ko. Hayup ka talaga!

Dapat ay tatakbo ako sa Earth Day Run ng NatGeo. Mahigit isang buwan ko pa namang pinaghandaan ang nasabing kaganapan. Pero ano ang ginawa mo? Inagaw mo sa akin ang makatulong sa lipunan. Pinagkait mo sa akin ang pagkakataong iyon. Gago Ka!

Walang pakundangan mo ring sinira ang aking mukha. Na tangi kong puhunan sa buhay. Papaano nalang ngayong ang mga movie projects ko? Ang TV guestings? Ang sakit mo sa ulo! Tarantado ka!

Hindi ka pa nakontento. Pati likuran at dibdib ko ay hindi mo man lang pinalagpas. Dahil ba sobrang hilig ko sa utong? Kaya mo ako nilagyan sa dibdib ng mahigit sa sampu? Para kapag kailangan ko ng mahihimas ay may hihimasin ako? Pakyu ka!

Gumapang ka pa pababa. Pumunta ka sa may hita. Hindi mo man lang nakuhang lagpasan ang ISLA ASUL. Na nababasa lamang sa tuwing ako ay naliligo. Tumambay ka pa at pinagtripan ang IBONG ADARNA. Sinamantala mo naman. Dahil alam mong malapit ko na itong itapon dahil nagagamit ko na lamang ito kapag ako ay umiihi? Bading ka!

Martes, Abril 19, 2011

SA LAOT NG PANAGINIP

Isang gabi nanaginip ako.
Naglalakad ako sa dalampasigan.
May nakasalubong akong isang dilag.
Kinausap ko s'ya. Nagkwentuhan kami.
Habang unti-unting nagkaroon ng
ngiti sa kanyang mukha ay unti-unti
namang nahuhulog ang loob ko sa kanya.
Nagtampisaw s'ya sa tubig. Pinagmasdan
ko lamang s'ya. Unti-unti s'yang
lumalayo. Sinundan ko s'ya.

Noong malapit na ako sa kanya ay
namalayan kong may kalaliman na
ang parteng iyon ng karagatan.
Kinausap n'ya muli ako upang
magpaalam. Nagpumilit akong sumama.
Hindi daw n'ya alam ang tungo n'ya.
Sabi ko ayus lang basta sasama ako.

Masaya kaming lumalangoy. Narating
namin ang laot. May paparating na bangka.
Kinawayan n'ya iyon. Huminto ang
bangka at sumakay ang dilag. Bago lumarga
ang bangka may sinabi s'ya sa akin.
LUMANGOY KA NA PABALIK SA DALAMPASIGAN
BILISAN MO LANG AT MAY PAPARATING NA BAGYO.

Lumangoy ako ng lumangoy hanggang sa
nagising ako na humahangos at umiiyak.

Linggo, Abril 17, 2011

PAALAM DREADLOCKS!

090909. Ang petsa kung saan pagkatapos ng isang linggong walang tulugan ay nakompleto ko rin sa wakas ang 75 piraso mong hibla. Hindo ko maipaliwanag ang kaligayahang naramdaman noong mga panahong iyon. Marahil maituturing kitang usang obra. Obra na nagpapahayag ng sariling nararamdaman laban sa kompanyang dating pinapasukan.

Noong una itinuturing lang kitang isang uri ng pagrerebelde at pagtutol sa hindi makatarungang pagtrato ng isang kompanya sa kanilang mga empleyado. Pero hindi nagtagal ay naging libangan kita upang labanan at pansamantalang takasan ang homesick na aking nararamdaman noong mga panahong iyon.

Alam mong hindi ikaw ang unang dreadlocks sa aking buhay. Pero para sakin ikaw ang pinakagusto ko minahal ng labis. Sa paglipas ng panahon ay gamay na natin ang isa't isa. May mga panahong napapabayaan na kita. Pero mayroon din namang pagkakataong alagang-alaga kita. Sinashampuhan kita ng mamahaling shampoo para naman maging kaaya-aya ka sa paningin ng karamihan.

041111. Ang petsa kung saan nagtapos ang kulang-kulang dalawang taon nating pagsasama. Tinanggal kita ng hindi labag sa aking kalooban. Ilang linggo ko rin pinag-iisipan ang tungkol dito. Masakit para sa akin ang ating paghihiwalay. Lahat naman ng bagay sa mundo ay may katapusan. Hindi lang tayo pinalad dahil isa ang samahan natin sa nagtapos.

Pero huwag kang mag-alala mananatili ka sa aking puso at kamalayan. Kahit kailan ay hindi kita makakalimutan, pangako yan. Kaibigan kitang maituturing. Naroon ka at naging saksi kung papaano ako nagtampisaw at nalubog sa putikan. Naroon ka noong ako'y hinagupit ng matinding bagyo. At lalong naroon ka noong muli kong binuo ang mga pangarap na minsan ng gumuho.

Maraming salamat kaibigan!

Huwebes, Abril 7, 2011

ANTOK

Sadyang napakahirap labanan ang alok ng antok. Sabi n'ya sasamahan daw n'ya akong lumangoy sa dagat ng mga pangarap. Lilipad daw kami sa ulap ng mga panaginip. Ang tanging sagot ko sa kanya, masaya na ako sa riyalidad na kasalukuyan kong tinatamasa. Pero sadya s'yang mapilit. Kaya ito ako ngayon nag-uumpisang magtampisaw. AKO AY MULING LALANGOY SA DAGAT NG MGA PANGARAP AT LILIPAD SA ULAP NG MGA PANAGINIP.

SINUNGALING SI NANAY!

Eksena sa bahay;

Ako: Nay hindi ka ba natutuwa na sobrang gwapo ng anak mo?
Nanay: Hindi ka kinilabutan sa sinabi mo?

...After 30 minutes;
Ako: Hindi nga Nay ang gwapo talaga ng anak mo no?
Nanay: Alam mo, wala namang ina na hindi pinupuri ang anak. Kaya kahit napipilitan ako, Oo na, GWAPO KA NA!

Martes, Marso 29, 2011

IKAW AT AKO

Ang nais ko lang ay handugan ka ng isang awitin sa aking pagdating. Nasa dyip pa lamang ako ay kinakabisado ko na ang kanta. Nakailang ulit ko rin pinakinggan ang kanta ngunit mahina talaga ang aking memorya. Hanggang sa nakababa nalang ako sa dyip ay hindi ko pa rin ito nakabisado. Bumili muna ako ng pisbol sa kanto para mag-ipon ng lakas ng loob. Alam mong salat ako sa talento sa pag-awit. Pero akin pa rin itong ipinilit.

Sa aking pagbungad natanaw kitang nakaupo sa may malapit sa bintana. Naramdaman mo na ang aking pagdating. Inumpisahan ko ang baybayin ang mga salita sa awiting aking kinabisado. Nagalit ka. Sabi mo tumahimik ako. Baka magalit ang mga kapitbahay natin. Hindi kita pinakinggan sa iyong sinabi. Samakatuwid itinuloy ko pa rin ang pag-awit. Sabi ko

"ikaw at ako pinag-isa.
Tayong dalawa may kanya-kanya.
Sa isat-isa tayo ay sumasandal.
Bawat hangad kayang abutin.
Sa pangaba'y di paalipin.
Basta't ikaw ako tayo magpakailanman.
Kung minsan ay di ko nababanggit, pag-ibig ko'y
di masukat ng anumang lambing."


Sa halip na ikaw ay matuwa sa ganda ng mensahe, nagalit ka pa lalo. Kaya tumigil na ako si aking pag-awit. Pumasok na lang ako sa loob ng bahay na bagsak ang balikat. Hindi mo man lang binigyan ng papuri ang aking inaalay na awitin para sa'yo. Noong nasa higaan na tayo. Nagdrama ako. Sabi ko sa'yo nakakinis ka hindi mo man lang binigyan ng halaga ang aking pag-awit. Pero sagot mo "akala ko nambubulahaw ka lang". Umiyak ako. Sabi ko sa'yo kinabisado ko pa naman yun. Nais ko sanang ulitin ang pag-awit ngunit nakalimutan ko na ang mga linyang nakapaloob sa awiting iyon. Kaya kinuha ko yung ipod. Parehas nating ikinabit sa ating magkabilang tenga ang headset.

Kahit sintunado ay sinabayan ko ang pagkanta. Hindi ko namalayan dumadaloy na ang mga luha mula sa aking mga mata. Nagkatitigan tayo. Pinunasan mo ng iyong mga kamay ang aking mga luha habang patuloy akong humikbi. Hinalikan mo ako sa pisngi. Nangako ako sa'yo na tuwing dadating ako kakantahan kita. Ayun napako na naman ang aking pangako. Nandito pa ako sa opisina at tinatapos ang trabaho. Pero wag ka mag-alaala kahit tulog ka na sa pagdating ko. Aawitan pa rin kita. Sa pagkakataong ito kabisado ko na. Pinagpraktisan ko ito mula pa kaninang umaga.

ANG INIT NG KATAWAN AY HINDI NADADAAN SA LIGO LAMANG

Hindi ko alam kung ang gawaing ito ay makatulong sa panukalang RH Bill. Kinasanayan ko na kasi simula pa noong ako ay nasa kolehiyo palamang ang tumakbo tuwing umaga. Isang pamamaraan ko ito upang matanggal ang alibadbad sa aking isipan. At para na rin maalagaan ang kalusugan. Isa ang pagtakbo sa pinakamabisang paraan upang maiwasan ang malulubhang sakit. Kaya naman hanggang sa kasalukuyan ay napanatili ko ito. Lalong lalo na at patok na patok ngayon ang mga "fun runs".

Sa dami ng nahuhumaling dito ay biglang umiinit ngayon na libangan ang fun run. Halos linggo-linggo ay mayroong ganitong nagaganap. Kasing init ito ng panukalang RH bill na naisipan kong gawan ng tagline "BETTER LOTION THAN POPULATION EXPLOTION" na kasalukuyang pinag-uusapan sa kongreso at senado. At dahil bobo ako. Hindi ko tatalakayin ang tungkol dito masyadong sensitibo ito. Marami ang nagtataasang kilay kapay ito ay pinag-uusapan.

Kamakailan lang, aking napagtanto na ang pagtakbo ay maaring makatulong upang hindi na tataas pa ang populasyon ng ating bansa. Hindi natin maiiwasan na tumataas ang libido natin sa katawan. Kaya kadalasan sa mag-asawa, si misis ang napagbabalingan ni mister. Kaya ayun may panibagong bunso na naman. At sa mga binata naman si Marian Palad ang libangan. Pupunta sa banyo at magtikol. Madalas sa kumot na nga lang. Papatay na naman ng walang kamalay-malay na bata na maaring maging presidente balang araw.

Minsan ang init ng katawan ay hindi nadadaan sa ligo lamang. Kailangan mo itong ilabas. At total mapapagod ka rin lang naman kung sisiping ka kay misis na maaring ang kahahantungan ay ang panibagong bunso nga. O ang magtikol na tila pupulikatin ka para lang ilabas yang init sa katawan mo. Bakit hindi nalang subukang tumakbo sa tuwing nakakaramdam ka nito. Pagpapawisan ka rin lang kaya tumakbo ka na lang.