Huwebes, Oktubre 22, 2015

OCTOBER 22, 2015

Kaninang madaling-araw, galing ako ng Bacoor. Sa byahe, may nakasabay akong  magtropa sa jeep pauwi. Parehas silang lalaki. Yung mga tipong nakaside ang sombrero kapag isinusuot. Nakaitim sila parehas. Pagkasakay nila, wala silang imikan. Alerto na kaagad ako. Si Lalaking nakaitim No. 1, sa may istribo umupo. Medyo bata to mga nasa 20's na. Tapos si Lalaking nakaitim No. 2 ang nag-abot ng bayad. Sa Pamplona raw sila bababa. Ito naman nasa early 30's na tantya ko. pagkaabot nya ng bayad, salita sya nang salita. Pero di ko naiintindihan ang mga sinasabi nya dahil sa ingay rin ng jeep.


May sumakay na ale na may dalang dalawang sako-bag, halatang galing palengke. May sumakay pang dalawang lalaki. Pero di ko na masyadong pinansin yung mga bagong sakay. Alerto na talaga ako. Para kasing modus lang yung ginagawa nila. Si Lalaking nakaitim No. 1 na naka-upo sa may istribo, walang imik. Nakatingin lang sa kalsada. Tapos Si Lalaking nakaitim No. 2 tumigil na rin s pagsasalita.


Nang dumating na sa Zapote, bumaba yung dalawang huling lalaking sumakay. Salita na naman nang salita si Lalaking nakaitim No. 2. Kinabahan na naman ako. Pagdating sa may bahagi ng Christ the King, may sumakay na apat na lalaking malalaki ang  katawan. Tumigil na naman ulit sa pagsasalita si Lalaking nakaitim No. 2.


Bago makarating ng RFC;
Lalaking nakaitim No. 1: Tol baba na ako ha.
Lalaking nakaitim No. 2: sige iwanan mo ako!


Pagkatapos ng mga ilang segundo, pumara na si Lalaking nakaitim No. 1.
Lalaking nakaitim No. 2: Ganyan ka naman. Kapag ubos na ako. Pag di mo na ako kailangan. Lumalapit ka lang naman sa akin kapag meron ako.


After 100 meters nung binabaan nung Lalaking nakaitim No. 1, bumaba rin naman si Lalaking nakaitim No. 2.


-The End