Biyernes, Disyembre 31, 2010

PAALAM AT MARAMING SALAMAT 2010

Ilang oras na lang ang binibilang at magpapalit na di lang ang panibagong taon kundi ang panibagong dekada pero bago pa tuluyang baklasin ang pinakahuling pahina ng kalendaryo ay samatalahin ko munang magpasalamat sa mga pangyayaring naglagay ng ngiti at nagpaluha sa akin at sa mga aral na natutunan sa taong kasalukuyan. Samantalahin ko na rin pati ang pagbati sa inyo ng masaya at masaganang bagong taon. Naway kasabay ng putukan ay maputukan at masabugan kayo ng biyaya at pagpapala mula sa tanging nilalang ng lumikha ng lahat. Sana ang lahat ng kadramahan ng ating bayan ay kasabay maglaho ng mga nililistang new year's resolution. MABUHAY TAYONG LAHAT

Biyernes, Oktubre 22, 2010

KASAMA

Sa paglisan ko ng dalawang taon
Hindi ako naging mayaman bagkos kabiguan ang nakamtan..
Sa ngayon di ko man makayang bilhin ang bukas

Pero handa akong utangin ang kahapon
...
Makasama ka lang maghapon

Miyerkules, Oktubre 13, 2010

EKSENA

Babae: Nagmamakaawa ako sayo, payagan mo akong umalis. Ayoko na! Sawang sawa na ako! Palayain mo na ako!

Lalaki: Di ka aalis! Dito ka lang! Kung maaring ikukulong kita, ikukulong kita! Ikukulong kita! Ikukulong kita!


Sa mga bisig ko :D

Martes, Oktubre 12, 2010

DESISYON GRANDE

Ang pagpapasya at pagdedesisyon ay maaring ihalintulad sa pagtanim ng isang halaman. Kailangan mong isaalang alang ang panahon at lugar. Pagkatapos mo itong itanim di mo ito basta na lang pabayaan kailangan mo itong pangalagaan, diligan at abunohan upang ito ay lumago. Pero minsan kahit ginawa mo ang lahat upang ito ay mapalago may pagkakataon na mapepeste ito at hindi umunlad.

Linggo, Setyembre 12, 2010

Setyembre Onse - Ang Pamamaalam

Madaling araw, malakas ang buhos ng ulan na tila nakikisabay sa kalungkutang naramdaman ni john ng mga oras nay un sa kanyang nakatakdang pag-alis upang makikipagsapalaran sa Gitnang Silangan. Dinig at ramdam ni John ang bawat patak ng ulan sa bubungan habang sinisilayan ang kabiyak na si Lorie na himbing na natutulog. Bumabalik sa kanyang alaala ang mga masasayang bagay na nangyari sa kanilang pagsasama. Hinaplos nya ang mukha ng kabiyak at hinalikan habang unti-unting dumadaloy ang mga luha mula sa mga mata ni John. Nagising sa Lorie sa ginawa ni John. Gising ka na pala! Anong oras na ba? tanong ni Lorie. Tumalikod ng bahagya si John upang punasan ang mga luha. Umaga na baka, sagot ni John. Baka malelate na ako sa flight ko dagdag pa nito.

Tumayo si John sa higaan at tinungo ang mga nakaimpake na nyang mga gamit. Natataranta ito na syang nag-uudyok upang magtalo ang mag-asawa. Kasi dapat inasikaso mo na yan lahat kagabi pa, sigaw ni Lorie. Tumayo ka nalang kaya dyan at tulungan ako rito ng maayos na, balik ni John. Tumayo si Lorie at din a umiimik.

Nababalisa pa rin si John sa dami ng mga bagay ang pumapasok sa kanyang isipan sa mga oras na iyon. Nag-aalala siya sa kung anong klaseng buhay ang kanyang daratnan sa Gitnang Silangan. Pero mas higit siyang nag-aalala sa kalagayang ni Lorie na kasalukuyang nagbubuntis sa una nilang anak. Tinungo nya ang kinalalagyan ng asawa hinaplos ang balikat at niyakap nya ito. Umiiyak rin si Lorie ng mga oras nay un nag-aalala at lubos rin itong nalulungkot sa papalapit na pag-alis ni John. Kasi ikaw eh bakit kailangan mo pang umalis mabubuhay naman tayo kahit nandito ka lang sa bansa, sambit ni Lorie. Ngunit tanging buntong hininga lang ang tugont ni John sa sinabi ng asawa. Wag ka na lang kasing umalis, dagdag ni Lorie. Kailangan kong gawin ito para sa kinabukasan natin at sa kagustuhan kong makatulong sa mga kapatid ko, tugon ni John.

Niyakap ng mahigpit ni John ang asawa habang patuloy itong humihikbi. Wag ka mag-alala babalik ako, bigkas ni John. Ang tagal-tagal pa nun eh ang layo-layo pa, sagot ng asawa. Kung andito ka kahit gabi ka na umuuwi galling trabaho atleast yun oras lang hihintayin ko, hihintayin naming, dagdag ni Lorie. Pinatahan ni John si Lorie sa pag-iyak at binitawan sa pagkayap. Tinungo ang kusina para uminom ng tubig napabuntong hininga. Diyan sa lugar nay an, pag umalis ka wala na akong aagawan ng pagkain wala ng magtitimpla ng gatas para sa akin, sigaw ni Lorie. Napatigil si John sa narinig galling sa asawa.

Tumingin si John sa orasan, alas singko na ng umaga hudyat na ito upang tuluyan ng magpaalam sa asawa. Nagbihis na si John pagkatapos tinungo nya ang kinalalagyan ng mga nakaimpakeng gamit. Akma na niya iton bitbitin ng bigla siyang niyakap ng asawa. Mag-ingat ka dun ha, sambit ni Lorie. Mamimiss kita, dagdag pa nito. I love you, tugon ni John sabay yakap at halik sa asawa pagkatapos hinaplos nya ang tiyan ni Lorie.

Lumabas ni John ng bahay dala ang mga gamit, umiiyak at tuloy pa rin nababalisa at nag-aalala. Naglakad siya patungo sa sakayan ng trisikel at patuloy ang pag-agos ng luha kasabay ang buhos ng ulan. Binabalikan nya ang mga masasayang alaala nilang mag-asawa. Mga alaala na kasama ang mga pangarap na siyang tanging baon nya sa papuntang Gitnang Silangan.